Fri, 20 Sep 2019

CAGAYAN DE ORO CITY, Dec. 18 (PIA) -- Mas malaki, maginhawa at komportableng opisina ang naghihintay sa mga kliyente ng Pag-IBIG Fund CDO Central Members Services Branch sa bago nitong lokasyon sa Puregold Building, Lapasan, Cagayan de Oro City.

Sabi ni Pag-IBIG Fund Deputy Chief Executive Officer Alexander Hilario Aguilar na ang paglipat at pagpapalapad ay naglalayong mas maiparating ang mga serbisyo ng Pag-ibig sa lahat ng miyembro.

Bukod sa mabigat na trapiko sa luma nitong lokasyon sa J.R. Borja Street, sabi ni Aguilar na ang bagong opisina ay mas maluwang, moderno at madaling puntahan.

Saad naman ni CDO Branch Manager Susan Cezar na ang bagong opisina ay magbibigay serbisyo sa online registration para sa mga tagapag-empleyo, empleyado and indibidwal na nagbabayad at pagbibigay ng loyalty cards. Dito rin tinatanggap at pinoproseso ang aplikasyon sa pagpapamiyembro, short term loan, provident claims at kahilingan sa merging, refund ng STL, overpayments at impormasyon sa members savings.

Tumatanggap din sila ng membership monthly savings, STL amortizations at housing related dues, at pagpoproseso ng penalty condonation.

Ang bagong opisina ng Pag-IBIG Fund CDO Central Members Services Branch ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. (RTP/PIA10)

More Canada News

Access More

Sign up for Canada News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!